KONTEMPORARYONG ISYU

COVID-19



      Marami na ang mga nagbago simula noong nagkaroon ng pandemya, mas naging tahimik ang mga paligid, marami na ang gumagamit ng mask at nasama na sa normal na "routine" nila sa pangaraw-araw na buhay. Dulot sa mga lockdown at iba pang mga safety measures na itinala tulad ng mga travel ban, maraming mga tao ang namamalagi lamang sa kani-kanilang mga bahay at bihirang lumabas. Bago-bago pa lang nakaka-recover ang ating bansa at bumalik sa regular na pre-pandemic levels of activity.

      Ano nga ba ang pwede mong magawa bilang isang estudyante para makatulong sa inyong lokal na komyunidad para malabanan ang COVID? 

Ito ang ilan sa pwede mong magagawa:

1. Spread Awareness

Ito ang pinaka-simple na gawain, dahil sa social media ngayon tulad ng Facebook, Instagram, Whatsapp, etc. Mas madaling makapag-share ng mga impormasyon at mga directives tungkol sa COVID na makakatulong sa iyong mga nakakakilala tulad ng iyong pamilya, kamag-anak, o mga kaibigan mo.

2. Follow rules set by the government such as curfew, lockdown, etc.

Dapat sundin ang mga batas na itinala ng gobyerno tungkol sa mga dapat gawin habang nasa pandemya, dahil para din ito sa iyong kabutihan. Ginagawa lang nila ito upang mapababa ang mga kaso ng COVID sa bansa. Paalahanin din at hikayatin ang iyong mga kakilala na sumunod din. At kung hindi man makapamalagi sa bahay, siguraduhing sumunod sa mga patakaran na inilagay tulad ng pagsuot ng face mask, social distancing, etc.

3. Community Service/Volunteering

Pwede kang mag volunteer sa mga lokal na organisasyon na tumutulong lumaban sa COVID, maraming mga organisasyon na tumatanggap ng mga volunteer, doon pwede kang tumulong sa pamamagitan ng pag-uuri ng pagkain, pag-iimpake ng mga iba't ibang gamit tulad ng medical equipment, paghahatid ng pagkain sa mga kliyenteng nakalockdown, at marami pang iba.

Kahit na tayo ay estudyante lamang, marami na tayong magagawa para sa ating komyunidad, iilan lamang itong mga ibinigay ko sa mga magagawa mo at malaki na ang impact nito sa mga buhay ng mga natulungan mo. Kaya't kung pwede natin gawin, ay tumulong tayo sa ating kapwa, upang mas madaling ma-puksa ang COVID-19 kahit sa ating mga maliliit lang na paraan.




Comments

Popular posts from this blog

Online Classes and its advantages and disadvantages.