Open Letter

 

Sa mga tatakbo ngayong 2022 na eleksyon,

 

           Nagsusulat ako sa inyo tungkol sa estado ng gobyerno ngayon. Masyadong marami na ang mga kaso ng korapsyon sa pamahalaan na naapektuhan na ang mga tao. Mga halimbawa ng korapsyon na nangyayari sa pamahalaan ay favoritism, embezzlement, extortion, fraud, tax evasion, at marami pang iba. Kahit na mayroong mga batas at mga taong nagsisikap na maalis ang korapsyon sa pamahalaan, nakakadismaya pa rin ito. May kaso pa rin ng korapsyon sa loob ng gobyerno.

Isang kaso ng korapsiyon na nangyari ay ang pagkuha ng mga opisyal sa gobyerno ng pera  na inilaan sana para sa mga kalamidad at mga nahihirapan, para sa kanilang pansarili. Nahihirapan na ang mga tao na ilagay ang kanilang tiwala sa pamahalaan. At kapag walang tiwala ang tao sa kanilang gobyerno, masisira ang kanilang larawan sa isa’t isa. Importante ang tiwala ng tao sa gobyerno, at importante din na may tiwala ang gobyerno sa tao. Kapag mayroon namang tiwala ang tao sa gobyerno, mas uunlad ang ating ekonomiya at mas lalaki ang chance na susunod sila sa mga batas na pinapasunod ng gobyerno.

 

Maayos ang problema na ito kung may mga mas mahigpit na batas at polisiya laban sa korapsyon. At mga mas mabigat na parusa sa mga opisyal na korap. Hindi naman ako eksperto sa batas at ang mga detalye sa kung ano ang nangyayari sa loob ng pamahalaan pero alam ko na lahat ng ating mga problema ay malulutas natin pag tayo ay magtutulungan at mag sama-sama.


Comments

Popular posts from this blog

Online Classes and its advantages and disadvantages.