PAGIGING TAO /PAGIGING MAKATAO
PAGIGING TAO/PAGIGING MAKATAO
Tayong lahat ay naguguluhan sa pagitan ng pagiging tao o pagiging makatao. Para kasi silang magkakatulad ngunit magkakaiba din sila. Pareho silang naglalarawan sa atin bilang isang tao sa mundong ito.
Ang pagiging makatao ay ang personalidad natin, ang kung anong pakiramdam/reaksyon natin sa mga sitwasyon. Ang pagiging makatao ay tumutukoy sa kung paano natin nais mabuhay, kung ano ang gusto natin makamit sa buhay. Ito rin ay tumutukoy sa kung anong responsibilidad ang ginagawa natin. Ang pagiging makatao ay ang kung sino tayo sa buhay at ang anong mga layunin natin. Ang pagiging tao ay yan lang, maging isang buhay na tao. Walang trabahong kailangan, pagkasilang mo palang ay tao kana agad.
Ang pagiging tao at pagiging makatao ay parehong mahalaga para sa atin, kaya ang karamihan sa atin ay naguguluhan. Pero para sa akin mas madali ang pagiging tao, Sabi nga nila sa Ingles, "It is easy to be a human but it is difficult to be humane." Ang pagiging makatao ay kailangan ng trabaho. Kaya't mas mahirap ito kaysa sa pagiging tao.
Wala naman akong natatandaang karanasang talagang nag e-explain nito pero ang masasabi ko lang dito ay kahit na mahirap maging makatao ay dapat pagsikapan natin ito dahil ito ang isa sa mga rason kung bakit tayo tao at nakakahalubilo sa ating kapwa.
Para sa iyo, ano ang mas madali para sayo? Maging tao o maging makatao?
Comments
Post a Comment