Journal
Journal
Ano ang misyon mo sa buhay? May paniniwala akong lahat tayo ay may "purpose" kung bakit nandito tayo sa mundong ito. At makatulong sa ating kapwa gamit ang mga talento na ipinagkaloob sa atin. Hindi ko pa talaga alam kung ano ang misyon ng aking buhay, dahil konti pa akong naranasan sa buhay. Marami pa akong mararanasan sa susunod na mga taon ng buhay ko.
Paano nga ba magkaroon ng misyon sa buhay? O makatulong man lang na makabuo ka ng misyon sa buhay? Dapat mo itanong sa sarili mo ang mga tanong na ito: Ano ang layunin ko sa buhay? Ano-ano ang aking mga pinapahalagahan? Ano ang mga nais kong marating?
Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa aking buhay? Kapag may sagot ka na sa mga tanong na ito, mas mabilis mo nang magawa ang iyong misyon sa buhay.
Hindi ito "set in stone" na pag dating mo sa mundong ito ay may misyon ka na sa buhay na ito, at kailangan mo na lang ito tuklasin. Ikaw ang gagawa sa kung anong gusto mong maging misyon sa buhay.
Ang pagkakaroon ng personal na misyon sa uhay ay hindi madalian o nabubuo amang sa ilang oras. Ito ay kailangang pagnilayan, paglaanan ng sapat na oras o panahon at bigyan ng buong sarili sa iyong ginagawa. Sa oras na ito ay mabuo mo, ito ay magiging saligan ng iyong buhay. Magkakaroon ka ng pagbabago sapagkat ang lahat ng iyong gagawin/ iisipin ay nakabatay na dito.
Comments
Post a Comment