Open Letter
Sa mga tatakbo ngayong 2022 na eleksyon, Nagsusulat ako sa inyo tungkol sa estado ng gobyerno ngayon. Masyadong marami na ang mga kaso ng korapsyon sa pamahalaan na naapektuhan na ang mga tao. Mga halimbawa ng korapsyon na nangyayari sa pamahalaan ay favoritism, embezzlement, extortion, fraud, tax evasion, at marami pang iba. Kahit na mayroong mga batas at mga taong nagsisikap na maalis ang korapsyon sa pamahalaan, nakakadismaya pa rin ito. May kaso pa rin ng korapsyon sa loob ng gobyerno. Isang kaso ng korapsiyon na nangyari ay ang pagkuha ng mga opisyal sa gobyerno ng pera na inilaan sana para sa mga kalamidad at mga nahihirapan, para sa kanilang pansarili. Nahihirapan na ang mga tao na ilagay ang kanilang tiwala sa pamahalaan. At kapag walang tiwala ang tao sa kanilang gobyerno, masisira ang kanilang larawan sa isa’t isa. Importante ang tiwala ng tao sa gobyerno, at importante din na may tiwala a...